Kahirapan, Solusyonan

Kahirapan, Solusyonan

Ang Pilipinas ay isang magandang bansa. Punung puno ito ng mga magagandang tanawin. Ang nagiisang tanong na lamang ay, bakit mahirap pa ‘rin tayo? Mararaming dahilan kung bakit ganito tayo. Ibabahagi ko sa inyo ang mga rason na ito.

Unang-una, masyadong malaki ang ating populasyon dito. Mararaming mga pamilya dito ay nagsisiksikan sa isang maliit na bahay? Bakit? Dahil hindi sumabak ang mga magulang sa family planning. Ang nangyayari ay napupuno ang ating bansa ng mga bata na hindi pa makakatrabaho. Samakatuwid, dadami ang mga tao na kailangan nating alagaan habang kumokonti ang mga nagtatrabaho upang alagaan sila. Ang sanhi ay mahihirapan ang mga nagtatrabaho.

Isa pang dahilan ay ang katiwalian sa pamahalaan ng Pilipinas. Marami ng pagkakataon na ipinakita ng mga opisyal natin ang kanilang pagkabaluktot. Mayroong mga araw na nagnakaw ang ating mga opisyal ng pera. Maliban sa iilang mga opisyal na tuwid ang daan, madami ng nagkaisyung opisyal tungkol sa paksa na ito. Tulad na ng Philippine National Broadband Network Controversy kung saan nasangkot ang dating pangulong Glora-Macapagal Arroyo. Sinasabi ‘raw na nagnakaw si GMA ng pera galing sa deal na ito.

Ang isa pang-dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas ay ang kakulungan ng trabaho dito. Mayroong mararaming mga Pilipino na hindi nakakapag trabaho dahil na lamang sa kakulangan nito. Mayroong ‘din mararaming mga kababayan na hindi nakapag-aral, sapagka’t hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap.

Ngayon na alam ninyo na ang mga dahilan kung bakit naghihirap ang ating bansa, ano ang gagawin ninyo? Mayroong iba na magtatamad na lamang at hihintay. Ang dapat nating gawin ay tumulong sa mga naghihirap at mag-dasal para sa kanila. Sa pamamagitan nito, magagawa natin ang tungkulin natin sa ating bansa at sa ating mga kababayan. Simulan na natin ang pagsosolusyon sa problema ng kahirapan.


  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: