Yum, Yum, Yum

Yum, Yum, Yum

 

Pagkain. Isa ito sa pinakaimportanteng bagay sa buhay ko. Bakit? Ito ay dahil mahilig ako sa pagkain. Ito ay ang aking forte. Sa isang araw ay kumakain ako ng 3 hanggang 4 na beses. Hindi ako mapili sa pagkain. Kung ano nakahain sa lamesa, iyon ang kakainin ko.

 

Ang paborito kong pagkain ay ang lasagna dahil, para sa akin, saksakan ito ng sarap. Ito ay aking parating pinapaluto sa aking katulong sa kaarawan ko. Madalas, bibigyan ’din kami ng aking lola ng lasagna kapag nagluluto siya. Ang isa pang paborito ko ay ang omelette. Ito ay ang aking paboritong almusal.

 

Mahilig ’din akong lumabas para kumain. Kapag mayroong kaarawan sa pamilya ko, lumalabas kami para kumain. (Maliban na sa kaarawan ko, kasi nais kong kumain ng lasagna na gawa ng aking katulong.) Madalas ay pumupunta kami sa isang buffet sapagkat malalakas kaming kumain. Mararaming pagkakataon na ay pumunta kami sa Spiral sa may Sofitel.

 

Mahilig ako sa pagkain. Alam na ng lahat ng kaibigan ko iyon. Ngunit, hindi ko lamang gusto ang pagkain para mabusog. Sa halip, nais kong kumain ng pagkain upang matikman ang mga iba’t ibang lasa at sarap na maiibigay nito sa akin. Ikaw? Kumakain ka lang ba upang mabuasog o kumakain ka upang makatakam ng masasarap na lasa?

 

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: