Kakaiba

MATALINO

MAKA-DIYOS

MASARAP KASAMA

Ang Xavier School ay naging accredited bilang IB na paaralan. Ang Xavier ay isang Heswitang paaralan. Ang mga Xaverian ay madalas kaya mag-salita sa iba’t ibang mga wika.
Mararaming estudyanteng galing Xavier School ay nakakapasok sa magagandang kolehiyo. Kasama ang CLE o Christian Life Education sa kurikulum ngXavierSchool. Ang mga Xaverian ay tinututuruan na maging magalang at magandang kaugalian.
Ang Xavier ay binigyan ng limang taong accredited status ng PAASCU na isang malaking patunay sa kakayanan ng Xavier at ang kanyang mga estudyante. Ang Xavier School ay mararaming mga gawain kung saan napapalapit ang relasyon ng estudyanteng Xaverian sa Diyos na makapangyarihan. Nagkakaroon ang Xavier School ng mga gawain tulad ng Service Interaction kung saan nakikisama ang mga Xaverian sa iba’t ibang klase ng tao.

Kakaiba

 

Ang mga estyudante na galing sa Xavier ay talagang kakaiba. Higit sa pagiging mabait at maka-Diyos, ay matalino ‘rin sila! Bakit ba sobrang nakakaiba sila? Ang mga estudyanteng Xaverian ay kilala bilang matatalino, maka-Diyos at masasarap kasama.

 

 

Ang mga Xaverian ay matatalino. Madalas ay ang mga estudyante galing Xavier ay nakakapasok sa magagaling na kolehiyo katulad ng ADMU, DLSU at UP. Nagkakataon ‘din na nagiging “topnotcher” sa mga entrance exam ng mga kolehiyo. Ang Xavier ay isang IB accredited school. Ang IB ay angInternational Baccalaureate Program kung saan masmataas na kalidad ng pag-aaral ang ibinibigay sa mga estudyante. Ang IB ay isang malaking kalamangan sa proseso ng pag-sasali sa iba’t ibang mga kolehiyo dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

 

 

Ang mga Xaverian ay maka-Diyos. Ang Xavier ay isang Heswitang paaralan at kasama sa kanilang kurikulum ay ang CLE o ang Christian Life Education kung saan tinatalakay nila ang buhay ni Hesus at ang mga kwento sa Bibliya. Ang mga Xaverian ay sumasali ‘rin sa mga iba’t ibang mga aktibidad tulad ng “recollection” at “Days With The Lord” kung saan napapalapit  ang relasyon ng mga estudyante sa Diyos.

 

 

Ang mga Xaverian ay masarap kasama. Kasama ang wikang Pilipino, Ingles at Tsino sa kurikulum ng Xavier. Dahil dito, nagiging multi-linguistic ang mga Xaverian. Nakakatulong ito sa kanila sa mga pagkakataon na kailangan nilang makipagusap sa mga tao na hindi nila kababayan. Tinuturuan ‘din ang mga Xaverian na maging magalang. Kasama ito sa 6 Cs ng Xavier. Pinapasali ‘rin ng Xavier ang kanilang mga estudyante sa iba’t ibang mga aktibidad kung saan nakikisama sila sa iba’t ibang klaseng tao. Ang gawain na ito ay ang Service Interaction.

 

 

Ito ang mga dahilan kung bakit kakaiba ang mga Xaverian. Ito ang mga dahilan kung bakit isa sa pinakamagandang paaralan ang Xavier sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko ang aking eskuwelahan. Ito ang dahilan kung bakit Xaverian ako.


  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: