Unang Antasan

Unang Antasan

 

Ang nakaraan unang markahan ay naging masaya, mahirap at mapagtupad. Naramdaman ko ang pakiramdam na maging honor student dito sa High School at ang mga iba’t iba pa. Kaya’t naman nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga karanasan.

Maraming nangyari sa unang antasan. Natikman ko ang sarap na maging isang honor student, at ang pakiramdam na mahirapan ng todo sa iba’t ibang mga asignatura dito sa HS. Nang pumasok ako sa pinto ng aking bagong silid-aralan ay nanibago ako sa parikamdam na nakasuot ng itim na pantalon. Noong nakaraan na taon ay nakakuha ako ng matataas na marka sa Chinese at Math, samakatuwid ay naipasok ako sa mga advanced classes sa taon na ito. Nakapasok ’din ako sa XS Basketball Varsity para sa H1-H2. Masarap ang simula ng antasan na ito dahil wala pang pinapagawang mga proyekto ang aking mga guro. Bagamat, pagdating ng pangatlong linggo, natambakan kami ng mga iba’t ibang proyekto. Nagsikap ako araw-araw upang maitapos ang mga assessment na ibinigay sa amin. Nahirapan din ako dahil mayroong akong ensayo sa basketbol araw-araw at, kasabay ang pag-aaral, naubusan ako ng oras para sa pag-lalaro.

Kabila ng mga pagbabago dito sa HS, nakasanayan ko na maging abala. Natututo ako na magtrabaho ng hindi nag-sasayang ng oras. Kapag nauubusan ako ng oras para sa pagtatapos ng aking mga proyekto, napipilit akong matulog ng gabi na upang makapasa ako.

Pagkatapos ng unang antasan, ipinagmamalaki ko ang aking mga grado. Nakakuha ako ng 1st honors. Lahat ng grado ko ay A or A+ maliban na sa CLE at Chinese. Nagpapasalamat ako sa Diyos at sa aking pamilya, kaibigan at guro sa mga pagtutulong nila sa akin sa antasan na ito. Ang habol ko naman ngayon ay mapanatili o ipataas pa ang aking mga grado.

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: